The Meeting and The Mishap | Off the Top of My Head

The Meeting and The Mishap

Post created on July 9, 2009 by Reesie under Personal, Travel 

As promise, eto ang kwento ko:

Tama nga ang hula ni Madamme Auring Manoy Malditz na magkikita kami ng Mama ko. Kasama ang be-ep fiance ko, kami na ang pumunta sa Las Vegas since it was 4th of July weekend, walang trabaho noong Friday.  At tama si Mars noong sinabi niya na iyakan mode ang mangyayari. Matagal na kasing hindi ko nakikita si Mama kaya kahit gaanong pilit kong iwasang umiyak, pumatak din ang pinigil kong luha. Siya ang unang umiyak.  Parang pumayat ang ina ko dahil siguro sa mga problema sa bahay. Pinangako ko sa sarili ko noon na darating din ang panahon na magiging stress-free na siya at sana ito na nga yon. It is time for her to be happy. Parati nalang ang mga kapatid ko ang iniisip niya.

Masaya kami nang lumabas sa airport pero dahil sa kasayahan hindi nakita ng ate ko na may katabi pala siyang red Mercury Sabel car sa parking lot. Noong umatras na siya nabangga niya ito. Hindi naman grabeh, ni halos di nga namin narinig ang salpok eh. Kalalabas lang noong may – ari kaya biglang sinigawan ang ate ko na ” Back-up! Back-up! That’s a rare car!”. Nataranta ang ate. Dali-dali kaming lumabas. Nasa isip namin baka vintage car, BMW or Ferrari ang nabangga namin. Sabi kasi niya “It’s a rare car!” Nako patay!

Ito yung rare car niya, an old Mercury Sabel:

DSC00631

Ito yung scratch ng rare car. Bigyan ko kayo ng one hundred million pesoseses kung makikita niyo ang damage. :D

DSC00633

Di ba wala? Ang mokong gusto pang tumawag ng police. Huwat? Police? Para saan? We can just settle this on our own. We will give you our insurance information, etc. Ang matandang hukloban ayaw pumayag. At pinatawag niya talga kami ng police.

Tumawag ng 911. What’s your emergency? Na-scratch namin yung alikabok ng sasakyan ng matandang hukloban. Anybody hurt? No! What’s the emergency then? Ewan! Baka kasi papatayin kami ng matandang hukloban na to kung hindi kami tatawag ng police – rare car pa naman yung car niya.

DSC00634

Nag-antay kami ng isang oras at kalahati para sa police. Dumating muna ang taga-airport security at hindi makapaniwala na nagantay kami ng police for that trivial damage – in fact walang damage – yung alikabok nga lang ang na scratch.

Alas otso na ng gabi pero ang init ng Las Vegas! Sobra! 110 Fahrenheit ang init! Tuloy naniniwala na ako na may impyerno at ang matandang hukluban ang devil. My sister apoligised many times but he just gave us a face like he ’s deaf or cannot understand english at all. No reply! Nada!

Dumating ang police. Sorry for wasting your time officer. Blame it to the matandang hukloban.  He checked the registration, driver’s license and insurance information of my sister. He then give the insurance info to the matandang hukloban and then left. He wasn’t in the mood which I understood.

DSC00638

Galit pa rin ang matandang hukloban noong umalis. Naawa ako sa pamangkin kong cute kasi naiinitan na at nagugutom.

Madaming ganitong tao dito na para bang ang kasalanan mo ay nakapatay ka at hindi ka nila mapapatawad. One time I accidentally bump myself to this old woman. She screamed at me and told me watch where I am going daw. Ilang beses ako nag sorry. Nag scream pa rin siya sabi: You should be! Para bang nasaksak ko sya at hindi niya ako mapatawad. Nakakainis din mga tao dito.

Sorry for posting soo late….


Watch our for my next post. Next post’s tags : ara mina, fireworks, buffet, fremont experience at did I say ara mina?


Also, please check out my post about Fremont St Experience in Barrio Siete.

« Hiatus Mode Muna
Day 1 with Mom »

Comments

46 Responses to “The Meeting and The Mishap”
  1. Maldito says:

    PERS! TESTING MUNA.!BAKA MAUNAHAN!

  2. Maldito says:

    Ganyan talaga teng, may mga rasa talaga na may superiority complex.mostly mga matatanda.
    they feel kasi na threatened sila sa mga ibang lahi kaya ganun nalang ang reaction.
    I dont know why, but some people can be so Ahole when they get old, i hope we can keep our coolness pag matanda na tayu.he he he.
    insecure lang yun teng kasi magaganda kayu.char! naa ko pasalubong teng? padala nalang sa imong mama manay…kanang macbook!or kung dili jud nimo kaya manay ang macbook…kanang…

    sports car..na red…puhlease manay..

    • Reesie says:

      Tama ka Manoy! Madami talagang puti na akala nila ay superior sila sa ibang race! Akala mo kung sino eh mali mali naman ang grammar!!! Haller!

      Sports car na red? Di mo ba nakuha? Napadala ko na sayo ah! Naka balikbayan box nga eh! Antayin mo nalang.

    • lio loco says:

      sows! wag kang maniwala jan kay maldito manay reesie. sports car lang ang habol niyan. ako ang pakinggan mo. ahm…un palang iPhone at HP books, nakalagay na ba sa balikbayan box ni mama? huhlolz!

      teka, american ba talaga siya o migrant ding tulad niyo? kung ako siguro ang nasa sitwasyon niyo, baka kung saan pa napunta ang heated argument na yan. mabuti na lang kalmado ka at ang ate mo.

      just because you’re on their turf does not mean such caucasians can bitch around other people. america is not called the land of liberty for nothing. if anything, it is a hodgepodge of different people and races and a melting pot of eastern and western cultures.

      contrast this to our country and you might be horrified with the observation. here in the philippines, it’s us, filipinos, who seem to kiss the asses of foreigners without pride nor prejudice. could it be because they’re white and we’re brown and that starts an inferiority complex that we should be shrugging off our system? i don’t know with others but whenever i bump into a foreigner here in the metropolis, i do not put him or her up on the pedestal but treat and respect jim just as any normal pinoy. there shouldn’t be double standards occurring for the same reason that all men are created equal.

      at bigla tuloi akong napaingles sa post mo, manay reesie. basta, ang masasabi ko lang. mag-ingat kayo jan pero wag na wag niyong ikukumpromiso ang pagiging pinoy niyo. mabuhay ka!

      ano raw? huhlolz!

  3. pusa says:

    Wahahha alikabok ang na scratch!!! Ang OA naman nun matanda

  4. tsk tsk dami talagang OA sa mundo…at hinde pa rin ako naka-beys…

  5. SuperSawsaw says:

    pwede po i-claim yung one hundred million pesoseses? kita ko sa second picture eh. *jowk*

    minsan po kasi, may mga tao na ang buhay ay umiikot sa isang bagay. nagkataon na yung buhay ng matandang hukluban ay yung mismong race car na puno ng alikabok. charge to experience na lang po. pasensiya na, matanda lang. ahehehe.

    • Reesie says:

      Tama ka din, baka nga katangi-tangi niya yung sasakyan niya. Ang sa amin lang naman kasi eh puede naman namin ibigay yung insurance information namin ng hindi kailangan ang police. Yun lang naman ang SOP pag may accidente na minor lang. Pero gusto pa niyang palakihin.

      Salamat sa pagdaan Supersawsaw. :D

  6. Mars says:

    yun nagkita na ang mag ina…
    at hayop naman ang may ari ng rare car na yan,
    dapat pag rare tuluyan ng winawala dito sa mundo para wala na syang matawag na rare.

    sige enjoy your time with your mom

  7. azul says:

    ahaha pati yun pulis nabadtrip na sa kaartehan nung gurangis na yun…

  8. Marlene says:

    Ahehee! Ang mother dear pala ang katagpo mo. Understood naman kung madrama ang dating kasi tagal din kayong di nagkita.

    Ay, rare nga siguro ang car ng old hukloban kasi di ko pa narinig name na yan – Mercury Sabel. Mercury Drug pa marami sa Pinas. :-) Hahaa, buti nga sa kanya’t nadedma ng police.

    • Reesie says:

      Common lang yan dito kasi American car. Akala ko pa naman BMW, Ferrari or Audi! Hahaha. Sana pinikturan ko ang matandang hukluban na yun.

  9. TSI says:

    sinapak mo sana sa bangs aw! oo its time na ang mga parents naman naten ang bigyan pansin at pasayahin diba? hirap kaya magpalaki ng isang anak o 2 pa..ayun, pamangkin mo? kyut

  10. deejay says:

    sana pinichuran mo rin si matandang hukluban, reesie. hehehe! welkam back! mwah!

    ps: ang adik lang nina maldito at lio. *turo sa taas* LOLs

  11. an2nette says:

    Hi! i know how you feel that your mom is already there, sana di siya mahomesick at maisip ang mga kapatid mong naiwan sa pinas, enjoy each others company, we’re now back here in germany, bitin ang bakasyon, kulang ang 3 weeks

  12. anakngpating says:

    hehe..ang epal naman nung may ari ng car na puro alikabok lang naman ehhe..

    buti ate di kayo patalo saknila hehe..
    sana ate sinabi nyo rin na mag linis ng car hehe..cheap ata ung may ari hehe..

  13. joycee says:

    ay nakaw, dapat magpasalamat pa sya dahil nalinis ng bahagya ang “rare car” nya. :)

    Missyou bigsis. :)

  14. Heleyna says:

    rare car pala haha sana pinadilaan mo na din sa kanya haha. kainis!
    good thing at okay naman kayo. GBU!

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!